Home

  • 2013-2014 NBA playoffs, all-set na sa Linggo
  • Matapos ang 82 laro sa regular season, magsisimula na ngayong Linggo ang inaabangang 2013 – 2014 NBA playoffs.

    Lumalabas sa 16 na NBA teams na pasok sa playoffs, heavy favorite ang Miami Heat at San Antonio Spurs na muling maghaharap sa best-of-seven championship.

    Malakas din ang usap-usapan na malaking tiyansa ang koponan na Kevin Durant na Oklahoma City Thunders at Indiana Pacers ni Paul George na makakaabot sa NBA Finals.

    Sisimulan ng Miami ang kanilang title defense laban sa seeded number seven na Charlotte Bobcats sa Lunes.

    Ang seeded number one sa eastern conference na Indiana Pacers ay makakalaban ang number eight na Atlanta Hawks sa araw ng Linggo.

    Sasabayan din sa opening game ang laban ng Brooklyn Nets at Toronto Raptors at sa Western conference ang paghaharap ng Golden State Warriors versus Los Angeles Clippers.

    Masusubukan din ang trio nina James Harden, Dwight Howard at Jeremy Lim na Houston Rockets ang koponan ng Portland Trail Blazers.

    Narito ang kompletong schedule ng 2013-2014 NBA playoffs:


    EASTERN CONFERENCE – FIRST ROUND

    (1) Indiana Pacers vs. (8) Atlanta Hawks

    Game 1 – Sun April 20, Atlanta at Indiana, 7AM
    Game 2 – Wed April 23, Atlanta at Indiana, 7AM
    Game 3 – Fri April 25, Indiana at Atlanta, 7AM
    Game 4 – Sun April 27, Indiana at Atlanta, 2AM
    Game 5 – Tue April 29, Atlanta at Indiana, 8AM
    Game 6 * Fri May 2, Indiana at Atlanta
    Game 7 * Sun May 4, Atlanta at Indiana

    (2) Miami Heat vs. (7) Charlotte Bobcats

    Game 1 – Mon, April 21, Charlotte at Miami, 3:30AM
    Game 2 – Thur, April 24, Charlotte at Miami, 7AM
    Game 3 – Sun April 27, Miami at Charlotte, 7AM
    Game 4 – Tue, April 29, Miami at Charlotte, 7AM
    Game 5 * Thurs, May 1, Charlotte at Miami
    Game 6 * Sat, May 3, Miami at Charlotte
    Game 7 * Mon, May 5, Charlotte at Miami

    (3) Toronto Raptors vs. (6) Brooklyn Nets

    Game 1 – Sun, April 20, Brooklyn at Toronto, 12:30AM
    Game 2 – Wed, April 23, Brooklyn at Toronto, 8AM
    Game 3 – Sat, April 26, Toronto at Brooklyn, 7AM
    Game 4 – Mon, April 28, Toronto at Brooklyn, 7AM
    Game 5 * Thur, May 1, Brooklyn at Toronto
    Game 6 * Sat, May 3, Toronto at Brooklyn
    Game 7 * Mon, May 5, Brooklyn at Toronto

    (4) Chicago Bulls vs. (5) Washington Wizards

    Game 1 – Mon, April 21, Washington at Chicago, 7AM
    Game 2 – Wed, April 23, Washington at Chicago, 9:30AM
    Game 3 – Sat, April 26, Chicago at Washington, 8AM
    Game 4 – Mon, April 28, Chicago at Washington, 1AM
    Game 5 * Wed, April 30, Washington at Chicago
    Game 6 * Fri, May 2, Chicago at Washington
    Game 7 * Sun, May 4, Washington at Chicago


    WESTERN CONFERENCE – FIRST ROUND

    (1) San Antonio Spurs vs. (8) Dallas Mavericks

    Game 1 – Mon, April 21, Dallas at San Antonio, 1AM
    Game 2 – Thur, April 24, Dallas at San Antonio, 8AM
    Game 3 – Sun, April 27, San Antonio at Dallas, 4:30AM
    Game 4 – Tue, April 29, San Antonio at Dallas, 9:30AM
    Game 5 * Thur, May 1, Dallas at San Antonio
    Game 6 * Sat, May 3, San Antonio at Dallas
    Game 7 * Mon, May 5, Dallas at San Antonio

    (2) Oklahoma City Thunder vs. (7) Memphis Grizzlies

    Game 1 – Sun, April 20, Memphis at OKC, 9:30 AM
    Game 2 – Tue, April 22, Memphis at OKC, 8AM
    Game 3 – Fri, April 25, OKC at Memphis, 8AM
    Game 4 – Sun, April 27, OKCat Memphis, 9:30AM
    Game 5 * Wed, April 30, Memphis at OKC
    Game 6 * Fri, May 2, OKC at Memphis
    Game 7 * Sun, May 4, Memphis at OKC

    (3) L.A. Clippers vs. (6) Golden State Warriors

    Game 1 – Sun, April 20, Warriors at Clippers, 3:30AM
    Game 2 – Tue, April 22, Warriors at Clippers,10:30AM
    Game 3 – Fri, April 25, Clippers at Warriors, 10:30AM

    Game 4 – Mon, April 28, Clippers at Warriord 3:30AM
    Game 5 * Wed, April 30, Warriors at Clippers
    Game 6 * Fri, May 2, Clippers at Warriors
    Game 7 * Sun, May 4, Warriors at Clippers

    (4) Houston Rockets vs. (5) Portland Trail Blazers

    Game 1 – Mon, April 21, Portland at Houston, 9:30AM
    Game 2 – Thur, April 24, Portland at Houston, 9:30AM
    Game 3 – Sat, April 26, Houston at Portland, 10:30AM
    Game 4 – Mon, April 28, Houston at Portland, 9:30AM
    Game 5 * Thur, May 1, Portland at Houston
    Game 6 * Sat, May 3, Houston at Portland
    Game 7 * Mon, May 5, Portland at Houston

    Read More

  • 18 patay sa paglubog ng barko sa SoKor
  • JINDO – Umabot sa 18 ang kumpirmadong namatay sa paglubog ng passenger vessel sa South Korea habang 287 pa ang missing.

    Karamihan sa 447 pasahero ng Sewol ay mga estudyante na patungo sa resort island na Jeju para sa field trip.

    “Honestly, I think the chances of finding anyone alive are close to zero,” pahayag ng isang opisyal ng coastguard.

    Una rito, humingi ng sorry ang kapitan ng lumubog na passenger vessel sa South Korea.

    Ayon kay ship Captain Lee Joon Suk, speechless ito sa insidente pero nais mag-sorry sa mga pamilya at kaanak na lulan ng ino-operate niyang barko.

    “I am sorry. I am at a loss for words,” wika ni Lee habang nasa Coast Guard station.

    Sa ngayon ay hindi pa mabatid ang tunay na sanhi ng paglubog ng barkong Sewol pero posibleng maharap sa kasong negligence at accidental homicide ang naturang kapitan.

    Pero pinapamadali ni South Korean President Park Guen-hye ang search operation dahil naniniwala ito na may mga survivors pa.

    Ito’y kahit bumagsak pa sa 10 degrees Celsius (50 degrees Fahrenheit) ang temperatura ng karagatan kung saan lumubog ang malaking barko na karamihan sa mga sakay ay mga guro at estudyante na patungo sana sa Jeju island para sa field trip.

    “Since there is the possibility of survivors, we cannot waste any time,” sambit ni Park.

    Umaabot sa 169 barko, 29 eroplano at 512 divers ang tumutulong para sa nagpapatuloy na rescue operation.

    Sa mga susunod na araw ay gagamit na rin ng cranes ang mga crew para maiahon ang lumubog na barko. (CNN/AFP)

    Read More

  • 3 kidnappers, arestado sa Zambo Sibugay
  • ZAMBOANGA CITY- Tatlong miyembro ng kidnap for ransom group (KFRG) at kabilang sa listahan ng most wanted persons ang naaresto sa isinagawang joint operation ng PNP sa bayan sa Alicia lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

    Ang joint operation ay isinagawa ng mga kasapi ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, Zamboanga Sibugay Provincial Public Safety Company, Alicia municipal police station at ng Mabuhay municipal police station sa bahay ng isa sa naarestong suspek na si Rating Hadjirul sa Barangay Timbang-Timbang matapos ilabas ng korte ang search warrant sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives.

    Sa naturang operasyon, naaresto rin ng tropa ang dalawa pang suspek na sina Abral Abdusalam at ng isa pang Kismir Hadjirul alyas Mamoy na may warrant of arrest sa kasong kidnapping with serious illegal detention.

    Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang unit ng M16, fragmentation grenade at mga bala ng iba’t-ibang mga baril.

    Kabilang din sa mga nakuhang gamit sa mga suspek ay mga camouflage uniform at iba pang mga kagamitan ng PNP at militar na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa tuwing ginagawa nila ang kanilang masasamang aktibidad upang ilihis ang atensyon ng mga otoridad.

    Ayon sa pulisya, ang isa sa naarestong suspek na si Abral Abdusalam ay kapatid ng nagsisilbing lider ng sindikato ng kidnapping na si Waning Abdusalam na itinuturing na resposable sa serye ng kidnapping sa Zamboanga Peninsula.

    Maliban sa kidnapping, kabilang din ang kaniyang grupo sa mga pag-atake at iba pang mga kriminalidad sa naturang lugar lalo na sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay kung saan nakapagtayo sila noon ng kampo.

    Base sa record ng ototidad, ang grupo ni Abdusalam ay konektado sa iba pang mga bandidong organisasyon sa Western Mindanao kagaya na lamang ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nangunguna rin sa mga insidente ng kidnapping.

    Una nang lumabas a report na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si Abdusalam na siyang nangunguna umano sa MILF’s Special Operations Group pero minsan na rin itong pinabulaanan ng ilang mataas na lider ng MILF. (MRDS)

    Read More

  • 1-M deboto, tutungo sa Our Lady of Manaoag
  • DAGUPAN CITY- Dagsa na ang mga namamanatang Katoliko na nagsasagawa ng Visita Iglesia sa pamusong Our Lady of Manaoag kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

    Ayon kay P/Insp. Ruel Albano, tagapagsalita ng Manaoag PNP, kaninang umaga nagsimula na ang pagdating ng mga Katolikong deboto na taun taong nagtutungo sa lugar upang mamanata .

    Aniya hanggang bukas araw ng Biyernes ay inaasahan pa nila ang pagdating ng mas malaking bilang ng mga deboto na posibleng aabot sa isang milyong katao maliban pa sa 250,000 mga sasakyan na maaaring magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

    Kagabi pa lamang ay may mga namamanata nang piniling magpalipas ng gabi doon kasama ang kanilang mga pamilya upang hindi na sumabay sa siksikan ng mga tao.

    Read More

  • Hero’s welcome kay Pacman, handa na
  • GENERAL SANTOS CITY – Naghahanda na ang mga opisyal ng GenSan at Sarangani sa pagsalubong kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao na darating ngayong araw.

    Ayon kay Jun Ramos ng Sarangani information office, pasado alas-8:00 ng umaga lalapag ang sasakyang eroplano ni Pacquiao sa GenSan Airport.

    Dagdag pa ni Ramos na ang mga provincial officials, department heads at assistant department heads ng probinsya ay sasalubong kay Manny para sa isang hero’s welcome.

    Pagdating sa sentrong bahagi ng lungsod ay may isasagawang ang press conference sa Sun City Suites.

    Una nang kinumpirma ng LGU GenSan na walang inihihahandang float para kay Pacman dahil gusto ng Sarangani solon na sumakay sa sarili nitong sasakyan.

    Ito ang napagdesisyunan bilang pagbibigay respeto sa mga deboto dahil Biyernes Santos ngayon isang mahalahang araw para sa Simbahang Katolika.

    Read More

  • Napoles, posibleng maoperahan next week?
  • Napoles, posibleng maoperahan next week?

    Posibleng maitakda na ang operasyon ni Janet Lim-Napoles pagkatapos ng semana santa.

    Ito ang sinabi ngayon ng abogado ni Napoles na si Atty. Bruce Rivera, kasunod ng pag-alma ng panig ng prosekusyon dahil sa tumatagal na pananatili ng negosyante sa Ospital ng Makati (OsMak).

    Ayon kay Rivera, hindi ito delaying tactics dahil maging sila ay nais na sanang maoperahan ang kanilang kliyente dahil sa pangambang lumala ang sakit nito sa matris.

    Giit ng abogado, nasa kamay na ng mga doktor ang pagdedesisyon sa surgery dahil hawak na ng mga ito ang resulta ng biopsy.

    Sa susunod na linggo kasi ay magpapaso na ang 26 na araw na laan para sa surgery ng binansagang pork barrel fund scam queen.

    Sa ngayon wala pa rin umanong ideya si Napoles sa gagawing medical procedure dahil hindi pa nito nakaka-usap ang kaniyang private doctors.

    Read More

  • Pope Francis: ‘Learn to endure gloomy moments’
  • Pope Francis

    Inamin ngayon ni Pope Francis na kahit siya, ay nakakaranas ng mga malulungkot na araw kahit pa kinikilala siya bilang pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika.

    Sa kanyang Homily sa Chrism Mass o Holy Thursday service sa St. Peter’s Basilica, nanawagan ito sa lahat ng mga mananampalataya na dapat ay marunong tayong lagpasan sa ating sariling paraan ang anumang problema sa buhay.

    Ayon sa Santo Papa, ngayon ay natutunan na nito kung paano i-enjoy ang pinasok na buhay sa loob ng simbahan para pagsilibihan ang Panginoon.

    Sa kabila raw kasi ng aniya’y “gloomy” moments, ang Diyos pa rin ang yumayakap sa kanya at tumutulong na makita sa puso ang “renewed joy.”

    “Even in those gloomy moments when everything looks dark and a feeling of isolation takes hold of us, in those moments of listlessness and boredom which at times overcome us in our priestly life (and which I too have experienced), even in those moments God’s people are able to “guard” that joy; they are able to protect you, to embrace you and to help you open your heart to find renewed joy,” bahagi ng Sermon ng Mahal na Papa.

    Samantala sa ikalawang pagkakataon, isang babae at isang Muslim ang kabilang sa “washing of the feet ritual” ni Pope Francis sa Rome, Italy.

    Gaganapin ang tradisyunal na paghuhugas ng paa sa Centro Santa Maria della Provvidenza Don Carlo Gnocchi Center kung saan kinukupkop ang mga matatanda at disabled sa Roma.

    @CatholicNewsSvc
    The 12 who will have feet washed by #PopeFrancis include 9 Italians, 1 Muslim from Libya, young man from Cape Verde, Ethiopian woman

    Magugunitang sa nagdaang mga Santo Papa, karaniwang puro lalaki ang hinuhugasan at hinahalikan ng paa sa seremonya dahil sila ang kumakatawan sa 12 apostoles ni Hesukristo.

    Read More

  • ‘Wala kaming pambayad ng ransom sa kidnappers’
  • Kalahating buwan na ngayon mula nang dinukot ang Pinay worker sa Sabah at patuloy pa rin ang apela ng kanyang pamilya sa mga kidnappers.


    Sinabi ni Ella Dayawan, wala kapasidad ang kanilang pamilya nila na magbayad ng ransom para sa kalayaan ng kanyang auntie na si Marcelita “Marcy” Dayawan Tamalla.


    Ang mister ni Ella ay kapatid ni Marcy, 40.


    Una kasing lumutang ang impormasyon na humihingi raw ang mga kidnappers ng $11 million dollars bilang ransom kasama ang Chinese tourist.


    Kinumpirma naman ni Ella na pinigil ng Malaysian authorities ang kanyang father-in-law para sa imbestigasyon at hanggang ngayon ay wala pa silang impormasyon.


    Giit ng pamilya dayawan, hindi maaring idawit si Marcy sa alegasyon na inside job ang nangyari sa resort noong Abril 2.


    Aniya, 30 taon na ring naninirahan sa Sabah ang kanyang father-in-law at pinapunta doon si Marcy na isang taon pa lamang sa trabaho.

    Una rito, sinabi ng pamilya ni Marcy mula sa North Cotabato na mahirap lamang ang pamilya nila at walang kakayahang magbayad ng ransom money.

    Umapela na rin sina Edmark Paul at Kenneth Tamalla, mga anak ni Marcy, sa mga kidnapper na pakawalan na ang kanilang ina.

    Nag-iisa lamang ang biktima na bumubuhay sa kanyang dalawang anak dahil patay na ang ama nito.

    Ang mister nito ay dating kagawad ng Philippine Marine Corps.

    Todo apela naman si Ella sa gobyerno ng Pilipinas na magpursige na makalaya si Marcy kasabay ng kanyang apela sa mga kidnappers.

    Sa amin po sa pamilya dayawan ang gusto lang namin po ay safe release ng aming auntie.

    “Wala po talaga kamiang kapasidad na magbayad. Simpleng buhay lang po meron kami at wala po kaming pera na pambayad ng ransom. Sana maawa ‘yong mga kidnappers at tumulong din ang Philippine government para agad nang mapalaya si Auntie Marcelita,” bahagi pa ng apela ni Ella.

    Kahapon lumabas ang impormasyon mula sa Malaysian authorities ang umano’y “proof of life” sa Chinese national at si Marcy.


    Inihayag ni Sabah Police Commissioner Hamza Taib na nakatanggap umano sila ng larawan ng biktimang si Gao Huayun habang nasa kuta ng mga kidnappers sa Southern Philippines.

    Una nang pinaniniwalaan na mga miyembro ng Abu Sayyaf group ang dumukot sa mga biktima.


    Siniguro rin ng opisyal na patuloy umano nilang hinahanapan nang “best way” kung paano mapalaya ang mga bihag.

    Read More

  • ‘Sultan Kudarat, niyanig ng 5.5 magnitude quake’
  • 'Sultan Kudarat, niyanig ng 5.5 magnitude quake'

    Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng Mindanao.

    Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ito kaninang alas-12:38 ng tanghali.

    Natukoy ang epicenter sa 244 kilometro timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.

    May lalim itong 584 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

    Sinasabing sa karagatan tumama ang sentro ng lindol kaya wala itong naidulot na pinsala sa mga residente ng nabanggit na lalawigan.

    Read More

  • P-Noy ibinabala ang ‘worse power supply’ sa Mayo
  • P-Noy ibinabala ang 'worse power supply' sa Mayo

    Pinaghahanda ngayon ni Pangulong “Benigno” Noynoy Aquino ang publiko hinggil sa mas manipis na supply ng koryente sa darating na buwan ng Mayo.


    Kaya ngayon pa lamang, ipinanawagan ni Pangulong Aquino ang pagtitipid sa koryente at pagbawas sa paggamit ng mga aircon.

    Sinabi ni Pangulong Aquino, inaasahang lalong iinit ang panahon sa Mayo kaya tataas pa ang konsumo kaya tiyak na mabibitin ang reserba o produksyon ng mga power plants.


    Ayon sa Pangulo, maliban sa mga naka-schedule, may mga emergency breakdown din ang mga lumang planta kaya tiyak na kakapusin ang supply kung hindi makikiisa ang lahat.


    “So, again, nasa atin ‘yan kung bawasan natin ‘yung pagdo-draw nitong current na bawasan lang natin ‘yung, di ba, temperature e. Sorry, ulitin ko lang. Ang aircon raw ho kasi will cost about 3,000 watts to operate per day; a refrigerator will take only 180 watts. Malaki-laki talaga ang difference. Now, ‘pag lalong uminit pagdating ng Mayo, at isasagad natin ‘yung pagtatrabaho, lalo na.. Cinite nga lalo na ‘yung air-conditioner, talagang baka hindi magtugma-tugma,” ani Pangulong Aquino.

    Read More

Share and Enjoy

  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email
  • RSS
EmailEmail
PrintPrint
WP Socializer Aakash Web