Philippines Fresh News

International News

MOORE, Oklahoma – Umabot sa mahigit 100 survivors ang nailigtas ng mga rescuers mula sa gumuhong bahay, eskuwelahan at ospital dulot ng pananalasa ng buhawi sa Oklahoma.

Sinabi ni Oklahoma State Police Sgt. Jeremy Lewis, nang iahon umano ang nagbagsakang dingding ay naglabasan na ang mga bata na halos walang galos sa katawan.

“They literally were lifting walls up and kids were coming out,” wika ni Lewis. “They pulled kids out from under cinder blocks without a scratch on them.”

Mula sa dating 51 na napa-ulat na namatay, ibinaba na ito sa 24.

Kabilang sa mga namatay ang siyam na mga bata.

Ayon kay Moore Mayor Glenn Lewis, nagmistulang basura umano ang kanilang bayan at halos lahat ng estruktura ay nasira at wala nang mapakinabangan.

“It looks like we have lost our hospital. I drove by there a while ago and it’s pretty much destroyed,” ani Lewis. (Reuters)

Read More

WASHINGTON – Maihahalintulad bilang pinakamapanirang buhawi sa kasaysayan ng Estados Unidos ang nangyari sa Oklahoma.

Ganito ang ginawang paglalarawan ni Pangulong Barack Obama sa sinapit ng mga naging biktima at nawalan ng tahanan sa nasabing ipo-ipo.

Ayon kay Obama, bagama’t hindi pa nito alam kung gaano kalawak ng pinsala ng buhawi, pero tinitiyak nitong hindi pababayan ang mga taga-Oklahoma.

“The people of Moore, [Oklahoma] should know that their country will remain on the ground, there for them, beside them, as long as it takes,” wika ni Obama. “There are empty spaces where there used to be living rooms and bedrooms and classrooms and in time we’re going to need to refill those spaces with love and laughter and community.”

Una rito, nilagdaan ni President Obama ang disaster declaration sa Oklahoma.

“For all those who’ve been affected, we recognize that you face a long road ahead. In some cases, there will be enormous grief that has to be absorbed. But you will not travel that path alone. Your country will travel it with you fueled by our faith in the almighty and our faith in one another. So our prayers are with the people of Oklahoma today,” ani Obama. “And we will back up those prayers with deeds for as long as it takes.” (CNN)

Read More

Bagama’t unti-unti ng humuhupa ang banta ng muling pananalasa ng buhawi sa lungsod ng Moore sa Oklahoma, hirap pa rin ang mga residente sa nasabing estado ng Amerika sa iniwang pinsala ng trahedya.

Ito’y matapos 38,000 na mga kumukonsumo ng koryente sa Oklahoma ang walang supply ng koryente, maliban pa sa pagtigil din ng water supply.

Problema rin hanggang sa ngayon ang transportasyon kung saan nakahambalang sa mga lansangan ang mga debris, maliban pa sa mga punong nagtumbahan na sanhi naman ng problema sa linya ng komunikasyon.

Sa ngayon, ay itinaas na sa 91 ang bilang ng death toll matapos makarekober ng 40 pang bangkay.

Ang nasabing bilang ay mula sa dating 51 na kumpirmadong patay habang halos 150 ang sugatan.

Tatlong kilometro ang lawak ng pinsala ng buhawi kung saan mistulang winalis nito ang lugar matapos tinangay ang mga kabahayan, sasakyan at maging alagang hayop.

Nakasailalim sa tornado warning ang mga bahagi ng Texas, Oklahoma, Arkansas, Kansas, Missouri at Illinois, Wisconsin, Indiana, Michigan at Iowa.

Samantala, idineklara ni US President Barack Obama ang “major disaster” sa Oklahoma at ipinag-utos ang pagpapadala ng federal aid para masuportahan ang recovery efforts.

Sa kabilang dako, nalulungkot umano ang rescue team matapos makita ng mga ito ang isang ina kasama ang pitong buwang sanggol nito na nasa loob ng walk-in refrigerator pero bigong mabuhay. (CNN/BBC)

Read More

ANCHORAGE, Alaska – Muli na namang nag-alburoto ang Pavlof volcano sa Alaska.

Ngunit kung noong nakaraang linggo ay nagtaas lamang ng alert level, ngayong araw ay tuluyan ng nagpatupad ng kanselasyon sa maraming regional flights.

Nagbuga ng nasa 22,000 talampakan na volcanic ash ang nasabing bulkan.

“We’ve had about a dozen cancellations due to the volcano,” sambit ng pamunuan ng PenAir company sa Alaska. “Among the cancellations were flights in and out of Unalaska/Dutch Harbor, the top-volume seafood port in the United States.”

Una rito, itinaas sa “watch” status ang bulkan dahil sa umigting na aktibidad habang nasa orange code rin ito may kaugnayan sa kung paano makaapekto sa mga eroplanong dumadaan sa summit ng bulkan ang pag-alburuto nito.

Ang nasabing mga alert levels ay ikalawa sa pinakaseryoso sa four-level alert system ng Alaska Volcano Observatory. (reuters)

Read More

TIMIKA, Indonesia – Dalawang linggo matapos gumuho ang tunnel sa bahagi ng eastern Indonesia, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng death toll.

Mula sa 14, umakyat na sa 21 katao ang bilang ng mga nasawi matapos makarekober pa ng pitong bangkay ng minero.

Nabatid na nahihirapan ang rescue team dahil umano sa hindi stable na sitwasyon sa lugar kung saan nagbabagsakan pa rin ang mga bato.

Una ng naiulat na 10 trabahador ang masuwerteng na-rescue sa pagguho ng Freeport-McMoRan’s Grasberg, isa sa pinakamalaking minahan ng ginto at pilak sa buong mundo.

Tiniyak ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono na iimbestigahang mabuti ang insidenteng upang malaman ang sanhin nito at kung nagkaroon ng kapabayaan. (CNA)

Read More

PYONGYANG – Pinakawalan na umano ng North Korea ang kanilang nahuling Chinese fishing boat lulan ang 16 na crew nito.

Ito ay base sa mga naglalabasang reports ngayon.

Noong May 5 pa hinarang ng North Korea ang naturang barko sa Yellow Sea at noong May 10 nagsimula ang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nilinaw ng boat owner na si Yu Xuejun na walang ransom na ibinayad kapalit ng kalayaan ng Chinese fishing crew at maayos naman ang kondisyon ng mga ito.

Una ng sinabi ni Yu na humingi ng 600,000 yuan ($100,000; £66,000) ang North Korea.

“There were no conditions and they didn’t take any money,” ani Xuejun. “They just released them all. I received the call from the ship captain this morning at 03:50 telling me that they had already been released.” (BBC)

Read More

MOORE, Oklahoma – Nagkukumahog ang mga rescuers na mahanap ang 24 pang bata na missing kasunod ng pagkawasak ng Plaza Towers Elementary School sa lungsod ng Moore sa Oklahoma sa Amerika.

Ito’y kasunod ng pananalasa ng malakas na buhawi sa naturang estado.

Ayon sa Oklahoma Medical State Examiner, umakyat na sa 51 ang kumpirmadong patay kabilang na ang 20 bata bunsod ng hagupit ng ipo-ipo habang nasa 145 ang sugatan.

Ayon kay Oklahoma Lt. Governor Todd Lamb, ang nasabing paaralan ang direktang tinamaan ng buhawi kung saan 75 bata ang na-trap.

Tatlong kilometro ang lawak ng pinsala ng buhawi kung saan mistulang winalis nito ang lugar matapos tinangay ang mga kabahayan, sasakyan at maging alagang hayop.

Daang kabahayan maging ilang gusali ang nawasak, habang naging debris din ang Briarwood Elementary School at ang Moore Medical Center, sanhi upang ilikas ang mga pasyente.

Malawakang power blackout din ang nararanasan sa Moore.

Pansamantalang nagdeklara ng no-fly zone ang US Federal Aviation Administration sa Moore maliban lang sa mga relief aircrafts.

Nasa 321 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin na humagupit sa nasabing lungsod.

Kaugnay nito ay nagdeklara ang National Weather Service ng hindi pangkaraniwang tornado emergency sa Oklahoma.

Ayon sa ahensiya, 10 pang estado sa Amerika ang nanganganib sa nasabing weather system.

Isinailalim sa tornado warning ang mga bahagi ng Texas, Oklahoma, Arkansas, Kansas, Missouri at Illinois, Wisconsin, Indiana, Michigan at Iowa.

Read More

MOSCOW – Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Kamchatka Peninsula ng Russia kaninang umaga.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang paglindol sa layong 136 kilometro sa silangan-timogsilangan ng lungsod ng Petropavlovsk-Kamchatsky sa nasabing bansa.

May lalim na 33 kilometro (20 miles) ang pagyanig na nasundan pa ng tatlong aftershocks.

“It was followed by three aftershocks, the strongest of which measured 5.9-magnitude at a depth of 44 kilometres,” saad ng SUGS.

Gayunman ay walang naitalang casualties sa insidente. (CNA)

Read More

WASHINGTON – Hinimok ni US President Barack Obama si Myanmar President Thein Sein na gumawa ng mga hakbang upang matigil ang karahasan laban sa Muslim minority sa naturang bansa.


Ito ay kasabay ng pagdalaw ni Sein sa White House, pinakauna para sa isang Myanmar leader sa loob ng 47 taon.


Ayon kay Obama, dapat matigil na ang killings sa mga Rohingya Muslims sa Rakhine state.


Napag-alaman na nitong mga nakaraang buwan ay sumiklab ang ethmic violence sa pagitan ng Rohingya Muslims at mga Buddhists kung saan marami ang nasawi.


Tiniyak naman ni Pres. Sein kay Obama na reresolbahin ang ethnic conflicts at panagutin ang mga responsable.


“I also shared with President Sein our deep concern about communal violence that has been directed at Muslim communities inside Myanmar. The displacement of people, the violence directed towards them needs to stop,” ani Obama.


Pinuri naman ng US president ang economic at political reform na ginagawa ng Burma.


“What has allowed this shift in relations is the leadership that President Sein has shown in moving Myanmar down a path of both political and economic reform,” dagdag pa ni Obama.


Maalala na ilang dekada rin naging isolated sa international community ang Myanmar bunsod ng pamamahala ng militar sa bansa.


Pero kasunod ng pagbalik ng civilian government, niluwagan ng Estados Unidos at mga kaalyadong bansa ang sanction sa Burma.


Samantala, hinimok din ni Obama ang lider ng Myanmar na palayain ang natitira pang political prisoners.


Sa panig ni Pres. Sein, umapela ito ng tulong at pang-unawa sa US habang sumasailalim ang bansa sa aniya’y mahirap na reporma. (Reuters)

Read More

RIYADH – Umakyat na sa 16 ang naitatalang patay dahil sa corona virus sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi health ministry, ang pinakahuling biktima ay may record na ng pagiging diabetic at pagkakaroon ng heart at kidney problems.

Patuloy namang tinututukan ng World Health Organization (WHO) ang unang kaso ng human-to-human transmission ng sakit dahil mas mapanganib umano ito kumpara sa dating strain.

Pero sa latest information ay maganda umano ang development ng nurse na nahawaan kaya positibo ang WHO na madaling labanan ang naturang virus at makakagawa sila ng angkop na gamot laban dito. (AFP)

Read More

Share and Enjoy

  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email
  • RSS

Pinoy Balita News Online is powered by Wordpress | WordPress Themes

EmailEmail
PrintPrint
WP Socializer Aakash Web