Local News

  • P2-B inilaan ng DILG sa Cordillera para sa poverty alleviation project
  • Nasa P2 billion pondo ang inilaan ng pamahalaan sa Cordillera Autonomous Region para sa iba’t-ibang anti-poverty projects sa nasabing lugar.

    Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagtulong sa local economic development ng rehiyon.

    Sinabi ng kalihim na sa kasalukuyang taon ang pamahalaang lokal ng Baguio, Tabuk at 52 iba pang other local government units (LGUs) sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province ay makakatanggap ng kabuuang P809,683,750 sa ilalim ng Grassroots Participatory Budget Process (GPBP).

    Dagdag pa ni Roxas, sa nasabing programa para sa taong 2015, lahat ng mga municipalities sa Cordillera ay makakatanggap ng P15 million bawat isa habang ang dalawang lungsod ay bibigyan ng budget capital na P50 million o nasa kabuuang P1.225 billion.

    Target ng pondo na maiangat ang pamumuhay ng mga taga-CAR at malabanan ang kahirapan ng mga residente sa rehiyon.

    Ayon kay Roxas, malaking bulto ng pondo ay galing sa Department of Agriculture, kasunod ang Department of Social Welfare and Development, DILG, DepEd at Department of Health.

    Kasama rin sa iba pang implementing agencies ay ang DAR, DTI, DOLE, TESDA, DENR, DOE at National Electrification Administration.

    Bahala ang mga LGU na ito na tumukoy kung anong proyekto ang kailangan sa kanilang mga nasasakupan na siyang paglalaanan ng pondo.

    Read More

  • OFW mula Capiz, missing sa Saudi?
  • ROXAS CITY � Labis ang pag-aalala ng pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) ngayong hindi na makontak at sinasabing tumakas mula sa kanyang employer sa Riyadh, Saudi Arabia.

    Ipinaabot sa Bombo Radyo Roxas ni Ginalyn Lanoba ang sitwasyon ng kanyang kapatid na si Maricel Lanoba, 33, ng Pangabuan, Jamindan, Capiz na mahigit sa dalawang buwan nang hindi makontak ng pamilya.

    Hindi naniniwala ang pamilya Lanoba na tumakas si Maricel, base na rin sa sinabi ng kanyang employer na nag-runaway ito.

    Ikinuwento pa ni Ginalyn na Enero 30, 2014 nang huling makapagpadala ng mensahe si Maricel na nagpapaalam na pupunta sa bahay ng ina ng kanyang amo.

    Ngunit mula noon, wala nang narinig ang pamilya at hindi na rin makakontak ang cellphone nito.

    Ayon pa kay Ginalyn, matagal nang iniinda ng kanyang kapatid ang hanggang 15 oras na haba ng trabaho at kakulangan sa pagkain kung kaya’t nais nito na makauwi sa Pilipinas.

    Ito rin ang dahilan na lumapit ang pamilya Lanoba sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at binigyan ng ilang araw na makasagot ang agency at employer.

    Nalaman din nila na hindi pumayag ang employer ni Maricel na lisanin nito ang trabaho.

    Ngunit noong buwan ng Marso, ipinaabot ng agency sa kanila ang report ng employer na nag-runaway ang Pinay OFW.

    Duda naman dito ang pamilya dahil alam umano ni Maricel na naisangguni na sa POEA ang kanyang reklamo.

    Read More

  • Cagayan Police Office, iimbestigahan re: Mayor Pentecostes slay case
  • CAUAYAN, Isabela – Isasailalim sa administrative investigation ng Police Regional Office Number 2 (PRO2) ang intelligence branch ng Cagayan Police Provincial Office.

    Ito ay may kaugnayan sa kapalpakan umano na hindi man lamang nakatunog sa pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa munisipiyo ng Gonzaga, Cagayan at maraming beses binaril hanggang mamatay si Mayor Carlito Pentecostes.

    Si Pol. S/Supt. Franklin Moises Mabanag, ang deputy regional director for administration ang itinalaga ni P/Chief. Supt. Miguel Laurel, regional director ng PRO2 na manguna sa administrative investigation sa mga tauhan ng intelligence branch ng Cagayan PPO.

    Iimbestigahan ang pagkukulang ng tanggapan dahil hindi man lamang natunugan ang pagdating ng mga NPA na nakasuot ng camouflage na

    nakihalo pa sa mga empleyado at opisyal ng munisipiyo gayundin sa mga pulis na hindi na nakakilos dahil nasorpresa sila sa insidente.

    Magugunita na mag-iisang taon na nang mangyari ang kahalintulad na insidente nang pasabugan ng mga NPA ang sasakyan ng walong miyembro ng Special Action Force sa bayan ng Allacapan, Cagayan na ikinasawi ng walong miyembro nito.

    Hindi pa batid kung kasali ring isasailalim sa administrative investigation ang iba pang intelligence branch ng iba pang Police Provincial Office mula sa mga lalawigan na nasasakupan ng Police Regional Office Number 2 tulad ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

    Read More

  • Pinakamalaking freshwater crocodile na nalambat sa NoCot, ibabalik sa kanyang tirahan
  • KORONADAL CITY – Nakatakda umanong ibalik sa kanyang tirahan si “Malang,” ang pinakamalaking freshwater crocodile sa Pilipinas na nalambat sa Barangay Dungguan, M’lang, North Cotabato.

    Ayon kay Mayor Joselito Piñol ng Mlang, North Cotabato, ito’y kahit wala ang abiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

    Binigyang-diin ni Piñol na walang intensyon ang local government ng Mlang na gawing tourist attraction ang naturang buwaya. na may taas na 2.8 metro.

    Sa oras aniya na gumanda at maging normal na ang kondisyon ni Malang, pakakawalan at ibabalik na ito sa Liguasan Marsh kung saan ito nalambat ng isang mangingisda noong Abril 12.

    Read More

  • ‘Ilang Pinoy, iniiwasan ng ilang dayuhan sa UAE dahil sa MERS-CoV’
  • NAGA CITY – Nakakaranas ang ilang Pinoy ng pag-iwas ng mga dayuhan na kanilang nakakasalubong sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa MERS-CoV.

    Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Naga ni Arden Francisco na nagtatrabaho sa isang pabrika sa Abu Dhabi matapos na maitala ang pagkamatay ng isang Pinoy dahil sa nasabing sakit.

    Ayon kay Francisco, isinasantabi na lamang nila ang ganoong pakikitungo sa kanila ng ilang lahi dahil wala na rin umano silang magagawa.

    Kaugnay nito nakahanda naman umano ang kompanyang kanilang pinapasukan sa pagbibigay sa kanila ng maintenance sakaling makaramdam sila ng ilang sintomas ng virus.

    Samantala, may ilan na umanong Pilipino sa nasabing lugar na nagtatrabaho bilang doktor ang inabisuhan sa paggamit ng mask para makaiwas sa sakit.

    Habang may mga ilan na rin ang nagsisipag-uwian sa Pilipinas na aniya’y nakakaramdam ng lagnat.

    Hangad nito na hindi na madala pa ng mga ito sa bansa ang nasabing sakit.

    Una ng sinabi sa Bombo Radyo Naga ni Francisco na mas inaalala nila ang kanilang trabaho kaysa sa nakakahawang sakit kaya doble-ingat ngayon ang kanilang ginagawa.

    Read More

  • Bongga ang party sa 65th b-day ni Mommy D sa GenSan – anak
  • GENERAL SANTOS CITY – Abala ngayon sa paghahanda si Mommy Dionesia Pacquiao para sa kanyang ika-65 taong kaarawan sa darating na Mayo 15.

    Sa interview ng Bombo Radyo GenSan kay Liza Onding, anak ni Mommy D, inihayag nito na nagpapatahi na ng gown ng kanyang ina.

    Ayon sa anak ng tinaguriang “Pacmom,” bongga ang party na isasagawa sa isang restaurant sa lungsod.

    Maliban kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao na gagastos sa naturang okasyon, may mga sponsor din umano para sa kaarawan ni Mommy D.

    Walang ibang hiniling na regalo ang ina sa Pinoy ring icon maliban na lamang na magretiro na sa boxing.

    Inaasahan na aabangan ang dance performance ni Mommy D gayundin ang mga inihahandang presentation ng mga apo nito.

    Read More

  • 2 kaso vs ex-prov’l agriculturist ng SoCot et al., ibinasura
  • KORONADAL CITY – Pinaboran ng Office of the Ombudsman-Mindanao ang isinumiteng motion for reconsideration ng dating provincial agriculturist ng South Cotabato kasama ng ilang mga empleyado ng Provincial Agriculture office ng South Cotabato hinggil sa kasong serious dishonesty at grave misconduct laban sa naturang mga opisyal.

    Nakasaad sa desisyon ng Ombudsman na walang mabigat na ebidensiya ang reklamong isinampa ni Reynaldo Fabrigar, empleyado ng PEMO-South Cotabato, laban kina dating Provincial Agriculturist Rey Legaste, Virginia Gonzales, Ruby Domingo, Lilia Cariaga, Angeles Modelo, Enriquita Bayona, Falisa Lacuit, Shirley Magallano,Teodirico Junsay,Gerson Necesito, Leticia Jance, at Lucy Castro.

    Kasabay nito, ipinag-utos din ng Ombudsman na ibalik sa serbisyo ang sinuspinde ng dating provincial agricultirist kasama ang iba pang inakusahan sa kaso dahil sa walang dapat na ebidensya.

    Sa panig naman ng dating head ng Provincial Agriculture Office, hindi pa nila natanggap ang joint order copy ng Ombudsman hinggil sa naturang kautusan.

    Read More

  • Meeting ni Ping sa mga Napoles ‘di ipinaalam kay P-Noy
  • Hindi umano ipinaalam ni Rehabilitation Czar Sec. Panfilo Lacson kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pakikipagkita sa pamilya Napoles noong buwan ng Marso para sa testimonya ni Janet Lim-Napoles.

    Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa ngayon ay hindi pa rin nakikipagpulong si Lacson sa Pangulong Aquino hinggil sa kanyang nakuhang statement ni Napoles kaugnay ng pork barrel scam.

    Ayon kay Lacierda, bahala na si Lacson na mag-report sa Pangulong Aquino kung ano ang impormasyong nakuha sa pamilya Napoles.

    Hindi naman sinagot ni Lacierda kung lumilikha ng kalituhan sa publiko ang dokumentong hawak ni Lacson mula sa pamilya Napoles sa sworn statement ni Janet Napoles na nasa kamay ni Justice Sec. Leila de Lima.

    Inihayag ni Lacierda na ang gagamiting batayan ng Malacañang ay ang resulta ng pagsusuri ni De Lima sa Napoles statement na naglalaman ng mga bagong personalidad na dawit sa pork barrel scam.

    Read More

  • 15 katao sa Central Visayas, negatibo na sa MERS-CoV
  • CEBU CITY – Inilabas na ng Department of Health (DoH) sa Rehiyon 7 ang resulta sa 12 katao na kinunan ng specimen sa Vicente Sotto Memorial Medical Center upang ipadala sa main office ng DoH sa Manila upang suriin kung infected ang mga ito ng MERS-CoV.

    Inihayag ni Dr. Lakshmi Legazpi, ang assistant Regional Director ng DoH, negatibo ang resulta ng 12 katao mula sa Cebu at dalawa pa sa Bohol na isinailalim sa quarantine.

    Sa Negros Oriental naman, negatibo na ang isa habang hinihintay muna ang resulta sa isa na nagpasailalim din sa quarantine.

    Kaugnay nito, inihayag ng DoH na wala ng dapat ipangamba ang mga residente ng lalawigan ng Cebu.

    Ayon kay Dr. Legazpi, ang lumabas na resulta ay nagpapatunay na MERS-CoV free na ang Central Visayas bagama’t hinihintay pa rin ang resulta sa isa na nasa VSMMC at isa sa Negros.

    Sa ngayon ay unti-unti ng dinis-charge ng management ng VSMMC ang naturang 12 katao.

    Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DoH sa Cebu-Philippine National Police para sa paghahanap sa isa pang sakay ng Flight 424 na galing ng Middle East.

    Gayunman ay nakapagbigay na rin umano ang PNP-Cebu ng impormasyon hinggil sa lokasyon ng nasabing pasahero at isa raw itong magandang lead upang matunton nila ito at maipasuri sa VSMMC.

    Read More

  • Lotto results as of 25 April 2014
  • EZ2 Lotto

    11am: 18-05
    4pm: 12-07
    9pm: 30-12

    Swertres Lotto

    11:00 am: 1-8-9
    4:00 pm: 3-4-6
    9:00 pm: 6-1-6

    Six Digit

    9-1-5-7-0-8

    6/42 Lotto

    37-17-31-01-34-42

    6/49 Super Lotto

    15-21-23-28-37-16

    Read More

Share and Enjoy

  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email
  • RSS
EmailEmail
PrintPrint
WP Socializer Aakash Web