Sports News

  • Fund raising ni Pacman sa US, higit $100-K na
  • Kumita na umano ng mahigit sa $100,000 ang fund raising campaign ni Manny Pacquiao sa Estados Unidos para itulong sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas.

    Kabilang sa mga ibenenta ni Pacquiao ang kanyang personal na gamit tulad ng dugoan na boxing shorts na ginamit sa laban kay Timothy Bradley.

    Inaasahang madagdagan pa ang kikitain ni Pacquiao lalo’t maraming tumatangkilik sa kanyang fund raising campaign kabilang na ang mga Pinoy.

    Hindi ito ang unang pagtulong ni Pacman sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

    Magugunitang noong buwan ng Nobyembre matapos ang kanyang laban kay Brandon Rios ay tumungo ng personal si Pacman sa Eastern Samar at Leyte at namigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

    Read More

  • 76ers sinamantala ang di paglaro nina LeBron, Bosh; Grizzlies may overtime win din vs Mavs
  • Sinamantala ng Philadelphia Sixers ang wala na ring halagang laro para sa Miami Heat upang manalo, 100-87.

    Ang Heat kasi ay nasa number 2 seed sa Eastern Conference playoffs kaya naman pinagpahinga na lang sina LeBron James, Chris Bosh, Mario Chalmers, Rashard Lewis at Chris Andersen.

    Magsisimula na sa Lunes ang kampanya ng Miami Heat para sa hangad nila na ika-tatlong titulo.


    Samantala, napunta rin sa overtime ang panalo ng Memphis Grizzlies laban sa Dallas Mavericks, 106-105.

    Dahil dito pumwesto na sa ika-pito ang Grizzlies sa Western Conference.

    Read More

  • Wizards nakuha ang No.5 sa East kasunod nang panalo vs Celtics, 118-102
  • Naibulsa ng Washington Wizards ang pang-limang pwesto sa Eastern Conference kasunod ng kanilang panalo laban sa Boston Celtics, 118-102.


    Nanguna sa opensa si Bradley Beal sa kanyang 27 points, para magbunyi ang koponan na huling pumasok sa playoff noon pang taong 2008.

    Nagtapos sa regular seasona ang Wizards na may pitong panalo sa 10 mga laro.

    Makakaharap nila ang Chicago sa pagsisimula ng playoff.


    Nakapwesto ang Wizards sa mas mataas kumpara sa Brooklyn matapos na matalo ang Nets sa Cleveland.


    Ang Boston ay may worst record din na 25-57 sa pagtatapos ng season.

    Read More

  • Lakers nagtapos sa season finale na panalo vs Spurs; worst record ng LA
  • Hindi na pinalaro ang mga Spurs veterans na sina Tim Duncan at Marco Belinelli sa kanilang natalong laro kontra Los Angeles Lakers, 100-113.


    Nagsara na rin ang kampanya ng Lakers, bilang worst season nila mula nang lumipat ng Los Angeles.


    Minalas kasi ng hutso ang LA (27-55) sa pagkawala ng kanilang mga superstar dahil sa injuries kagaya na lamang ni Kobe Bryant.


    Nanguna sa huling laro nila si Jordan Hill na may 18 points at 14 rebounds.


    Si Kawhi Leonard naman ay may 14 points para sa San Antonio (62-19), na nasa ika-17 straight postseason appearance matapos na makuha sa ikatlong pagkakataon ang pagiging top seed sa Western Conference sa loob ng apat na taon.

    Read More

  • Pacers, pinagpahinga ang 3 starters, pero panalo pa rin vs Magic, 101-86
  • Wagi pa rin ang Indiana Pacers sa kanilang laro laban sa Orlando Magic, 101-86, sa kabila na hindi na pinaglaro ang kanilang mga key players sa season finale.


    Nagpahinga na lamang ang tatlong players ng Pacers na pawang mga starters na sina Paul George, Lance Stephenson at David West at hindi rin masyadong ginamit sa game sina George Hill at Roy Hibbert.

    Umeksena lamang ng husto ang mga bench players.


    Ang Eastern Conference top seed ay nagtala ng tatlong panalo mula sa huling apat na laro.


    Samantala, bubuksan naman ng Pacers ang playoffs campaign laban sa eighth-seed na Atlanta Hawks.

    Read More

  • Top Rank nagkukumahog para mapapirma ulit si Pacman ng kontrata – Roach
  • Kumbinsido si Hall of Famer coach Freddie Roach na gagawin ang lahat ng Top Rank Promotion na muling mapapirma si Manny Pacquiao ng panibagong kontrata sa pagtatapos ng taong ito.


    Ayon kay Roach sa Disyembre ay magtatapos na ang kontrata ni Manny.


    Kaya naman nagkukumahog umano ngayon si Top Rank big boss Bob Arum na mag-alok ng pinakamagandang offer.


    Naniniwala si Roach na maging ang kampo umano ni Floyd Mayweather Jr ay eeksena rin.

    Bagamat wala pa naman silang naririnig na nag-o-offer hanggang ngayon mula sa grupo ni Mayweather.


    Pero nasisiguro ni Roach na muling pipirma si Pacman sa Top Rank dahil sa naging mabuti naman ang samahan ng dalawa at maganda ang pagtrato sa kanila.


    Sakaling magkasundo muli sa bagong kontrata, inaasahang mahihirapang makapagnegosasyon kay Mayweather.


    Maituturing umano na “loyal person” kasi si Pacquiao lalo na sa Top Rank.

    Sa ngayon ang gusto ni Roach ay magkaroon ng ika-limang laban sila kay Juan Manual Marquez sa buwan ng Nobyembre para makaganti si Pacman.

    Read More

  • Utah wagi sa double overtime vs Timberwolves, 136-130
  • Nangailangan ng double overtime ang Utah Jazz bago talunin ang Minnesota Timberwolves, 136-130, sa season finale ng NBA.

    Nagawang makaiwas ng Jazz sa worst record mula nang lumipat sa Utah, 35 taon na ang nakalipas, at matuldukan din ang limang sunod sunod na pagkatalo.

    Ito pa lamang ang ika-apat na panalo ng Jazz sa kabuang 25 mga laro.

    Sinasabing ito na rin ang last game sa NBA ni coach Rick Adelman sa Jazz.


    Nagtala naman si Trey Burke ng career-high na 32 points at nine assists, habang si Gordon Hayward ay may kabuuang 23 points at 10 rebounds para sa Utah (25-57).

    Sa panig ng Timberwolves (40-42) si Kevin Martin ay may 36 points, samantalang si Kevin Love ay may 19 points.

    Read More

  • Bulls tinalo ng Bobcats sa overtime game, 86-91
  • CHARLOTTE, N.C. – Nanguna si Kemba Walker sa panalo ng Charlotte Bobcats sa overtime game kontra sa Chicago Bulls, 91-86.

    Umiskor si Walker ng walo mula sa kabuuang 22 puntos para magtapos sila ngayong season na may record na walong panalo sa huling siyam na mga laro.


    Bago naman ang laro ng Bulls, nagtala rin sila ng walong panalo sa kanilang last nine games.


    Kapwa nasa fourth seed ang dalawa sa Eastern Conference.


    Samantala tumulong din sa opensa ng Cahrlotte sina Al Jefferson na may 10 points at 18 rebounds at si Chris Douglas-Roberts na nagtapos naman ng 13 points.


    Para naman sa Bulls si Joakim Noah ay merong 14 points at 13 rebounds.

    Read More

  • Pacman, gusto niyang lumaban muli sa Las Vegas; Arum, nagdadalawang isip
  • HOLLYWOOD � Kung si WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang masusunod gusto niyang lumaban muli sa Las Vegas.

    Ayon kay Pacquiao, napamahal na sa kaniya ang lugar na kung saan sa kaniyang boxing career, 16 na beses itong lumaban sa Las Vegas at 11 sa MGM Grand Hotel.

    Unang lumaban at nanalo ang Pinoy boxing icon noong 2001 sa Las Vegas bilang late replacement opponent ni Lehlo Ledwaba.

    Kabilang sa mga kapana-panabik na laban ni Pacman sa Las Vegas ay ang trilogy kay Erik Morales, apat na beses kay Juan Manuel Marquez, Marco Antonio Barrera at Oscar dela Hoya.

    Ngunit ayon kay Top Rank Promoter big boss Bob Arum, posibleng magbabalik sa Macau, China si Pacman o sa ibang bahagi ng mundo.

    Matatandaang naagaw ni Pacquiao ang WBO welterweight belt mula kay Timothy Bradley sa pamamagitan ng unanimous decision victory.

    Read More

  • Nets forward Andray Blatche, excited at sabik ng maglaro sa Gilas Pilipinas
  • Halos hindi na makapaghintay si Brooklyn Nets forward Andray Blatche na maglaro sa Pilipinas para sa gaganaping FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.

    Ayon kay Blatche, excited na siyang makadalaw sa Pilipinas at pinaghahandaan na rin ang gagawing training camp.

    Sinabi ni Nets forward na handa na siyang magsout nang Gilas uniform at gagawin niya ang lahat para sa Pilipinas.

    Sa panig naman ni Marivic Trajano Lardizabal, ang Pinay na Nets manager of basketball operations, palagi umanong nagtatanong si Blatche tungkol sa paglalaro sa Pilipinas at ang pagpirma ng kontrata.

    Matatandaang inaprubahan sa Kamara ang naturalization papers ni Blatche.

    Read More

Share and Enjoy

  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email
  • RSS
EmailEmail
PrintPrint
WP Socializer Aakash Web